Lubos kong ikinalulungkot ang naging pasiya ng Senate Impeachment
Court. Bilang Punong Mahistrado, buong tapang at talino kong hinarap
ang hamon ng impeachment at sumailalim ako sa proseso na alinsunod sa
Saligang Batas, umaasang makakamit ang hustisyang aking hinanap ng
mahigit limang buwan.
Hindi kaila sa akin na
gagamitin ng Pangulo ang buong puwersa ng gobyerno, kasama na ang mga
ahensiyang dapat sana ay malayang nagpapasiya - ang Kamara, ang BIR, ang
LRA, ang AMLC, ang Ombudsman, at iba pa.









